Laruin Ang Dota ni Andrew | A5LSBNN Chapter 8

PREVIEW ONLY. Para marinig ng buo ang narration, subscribe na sa aking youtube channel
Halo-halong amoy sa isang masikip na internet shop. Amoy ng usok ng mga nagsisigarilyo, asim ng mga nanlilimahid at inumaga na kakalaro. Maliligalig na mga binatilyong di naman nag-aaway pero murahan ng murahan. Ang ingay ng mundo ni Andrew. Pero sa kabila nito, tanging siya lang ang naririnig ko, tanging ang ngiti lang at saya sa mukha niya ang atensyon ko. Hindi ko saktong maipaliwanag kung bakit ako sumama sa mundo niyang hindi ko naman hiniling na makita. Siguro, masyado lang akong napapalapit sa kwento niya o siguro hinahanap na ng puso ko ang katapusan ng kwento namin ni Rex, marahil si Andrew na ata ang tatapos.

“ Pokus ka lang dyan, wag mo kong intindihin. I’m okay,” at kunwaring meron akong tinetext pero palinga-linga ako sa mukha niyang unti-unti nang nagliliwanag sa paningin ko. Higit na makisig pala siya kapag masaya. Matangos na ilong, mapulang labi, magandang hulma ng panga, makintab na itim na kulay ng buhok, makapal na mga kilay, at nandedemonyong mga mata.

“ Shit iba na ‘to,” bigla kong sambit.

“ Bakit? Nagtext na naman ba?” habang naglalaro.

“ Ah wala, sige tuloy mo lang wasakin yang keyboard.”

“ Gago.” Ngiti niya pa.

“ Ang gwapo mo pala sa liwanag.”

“ Ngayon mo lang nakita sa tagal natin? Kasi naman ikaw, wala kang ibang gusto na makita sa akin kundi ito lang,” at palihim niyang kinuha ang kamay ko’t ipinahimas ang binti, dahan dahan patungo sa loob-looban ng pagkalalaki niya.

“Tang ina ka, baka makita tayo.”

“ Sus, invisible ka sa mga ‘yan, tignan mo.”

Sa bagay, tama nga naman. Para akong wala sa lugar na ito. Parang ako lang at si Andrew. Kanya-kanyang trip talaga ang mga tao. Walang basagan, kung ayaw mong mapuruhan. Wag mong pakialaman ang bagay na hindi sa’yo, kung ayaw mong mahulog at di na makaahon pabalik sa tamang sarili mo.

“ Ako ba? Invisible sa’yo?” tanong ko.

Sinulyapan niya ako. Hininto ang paglaro. Ang lalim ng tingin. Ang lalim ng mga ngiti.

“ Uy, baka mamatay ka sa laro?”

“ Ok lang, kung mamamatay naman ako kasama ka.”

“ Corny mo.”

Tumayo si Andrew. Nagtaka ako.

“ Dito ka, upo ka dito. Laruin mo ‘to.” Sabi niya.

“ Gago ka ba, dito talaga tayo maglalaro ng nota?”

“ Tangi, DOTA di nota.”

“ Shit uy, di ako marunong.”

“ Dito lang ako. Di ka mamamatay.”

“ Ok lang din, kahit mamatay, basta kasama ka.”

“ Ayiiieee.. kumokorni.”

“Whatever.” Napangiti ako.

Ang sarap palang maging invisible. Yung di ka nakikita, ‘yung walang pupuna sa mga kilos mong malamya. Yung walang paki sa’yo ang ibang tao at wala ka ring paki sa kanila. Basta masaya ka lang, ‘yung malaya kang magmura ng Tang-ina! Putang ina talaga! At ‘yung kahit ganun kagaspang at kadumi ang lumalabas sa bibig mo, walang paki sa’yo ang mundo. Ang sarap maging malaya, mas dama ang pagiging bakla.

Comments

Popular posts from this blog

Pata.Yi.N sa Kilig si Nilo | A5LSBNN Chapter 3

Ugh Bagalan Mo Lang Andrew | A5LSBNN Chapter 5