Ugh Bagalan Mo Lang Andrew | A5LSBNN Chapter 5

Para marinig ng buo ang narration, subscribe na sa aking youtube channel 

PREVIEW ONLY 



“ Iyon na ang huli naming pagkikita ni Tiyong Burgos.”

“ Gusto mo ba syang makita pa?” tanong ko.

“ Oo…para patayin. Pero saka na, pag demonyo na rin ako tulad niya.” Giit niya.

Muling nagsindi si Andrew ng sigarilyo. Tumayo na mula sa kama, palakad-lakad na nag-iisip. Bakas sa mukha niya ang galit. Pinagmamasdan ko lang siya. Aba, ngayon ko lang nakitang gwapo pala ang lokong ‘to. Puro ‘yung nakatago lang kasi sa ibaba nya ang lagi kong napapansin.

“ Alam mo bumabagal ka sa paningin ko.” Sambit ko, nagugustuhan ko ang nakikita ko. Yung katawan niyang batak na sa hirap at karanasan. Yung mukha niyang maamong demonyo. Yung umbok niyang kahit manlupaypay pa sa pagod ay malaki pa rin. Yung, hindi ka makakabitaw kapag napako na ang mga mata mo sa mga mata niya, sa labi niya, sa kisig niya, sa buong siya.

“ Bumabagal ka sa paningin ko.” Muli kong nasambit.

“ Paanong bumabagal?”

Punyeta, ayoko ng ganitong pakiramdam. Kinikiliti ang isip at puso ko pero gusto kong pigilan. Ayoko ‘tong mangyari. Ayoko siyang gustuhin ng labis. Kasi may mas higit pa akong dahilan kung bakit. Hindi ko siya pwedeng mahalin. Kasi sigurado ako, alam naming pareho na naglolokohan lang kami.

“ Wag mo nang intindihin. I need to go, inumaga na naman ako sa’yo.”

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. Naglapat na naman ang katawan namin. Hinimas himas niya ang pwetan ko. Napayakap rin ako sa kanya nang mahigpit at humawak hawak sa pinagmamalaki niya.

“ Hayaan mo na patunayan ko sa’yo na totoo ako.”

“ Sige, hahayaan ko ang sarili ko na paniwalaan ka, at my own risk.”

At muli na naman akong pinaligaya ni Andrew nang maraming ulit pa.

Kaso, hindi naman pwedeng hindi matapos ang gabi. Lumilipas lang ang oras. Kung sana ganun din kabilis magbago ang lahat ng mga pagkakamali, wala sana akong magiging problema. Pwede sana kami ni Andrew. Pero mag-uumaga na, kailangan ko nang magising sa kahibangan ng gabi at harapin ang realidad na nakakapagod, nakakasawa. Pero di ko kayang bumitaw.

Krnggg…

“ Tinatawagan ka na niya?” alam ni Andrew kung sino. Naikwento ko sa kanya matagal na.

“ Hindi ko sya kayang mawala.”

“ Nandito naman ako.”

“ Pero saglit ka lang dumating sa buhay ko.”

“ Kaya kong magtagal.”

“ Pero hanggang kailan?”

“ Hangga’t kailangan mo ako.”

“ Pero di kita mahal.”

“ Kasi mahal mo pa siya.”

“ Kaya kong lumandi sa tulad mo pero siya lang ang kaya kong mahalin.”

“Buksan mo kasi ang puso mo sa aken.”

“Mas masikip yun kesa sa butas ng pwet ko.”

“Tang ina ka talaga.” At natawa kaming pareho.

Comments

Popular posts from this blog

Laruin Ang Dota ni Andrew | A5LSBNN Chapter 8

Pata.Yi.N sa Kilig si Nilo | A5LSBNN Chapter 3