Tigang Kay Rex | A5LSBNN Chapter 6


Para marinig ng buo ang narration, subscribe na sa aking youtube channel 



PREVIEW ONLY

Sa gabi ko lang kayang gawin ang kabaklaan ko. Pero sa umaga at sa hapon, ibang tao ako. Matino ako, disente ako. Takot sa akin ang mga empleyado ko. Kailangang ganun ako. Ayokong ipakita na mahina ako. Ayokong maging bakla sa paningin nila hindi dahil kinahihiya ko ang pagiging ganito, kundi gusto kong maintindihan nila na kahit bakla ka, malakas ka. Hindi ka sino lang, at hindi ka basta-basta.

Sa gabi lang natatapos ang mga katuparan ng mga pantasya ko. Si Andrew ang bumubuo nun. Lalake, masarap, malaki at walang bahid.

Pero ibang usapan na ang umaga ko. Ito na ang realidad. Umiibig sa tulad ko ring lalake rin naman ang hanap. Oo, I am into a 5-year relationship with someone who I trusted my whole life with.

Si Rex. Kahit di straight, kahit alam kong tumitikim din ng lalake pag nakatalikod ako. But that’s okay. Gago ako, sobrang minamahal ko ang taong ito na halos di ko na maramdamang buhay pa pala ako. Na may sarili akong buhay na kailangan sumaya rin ako. Hindi ko magawa, because I am so much into him and I can’t let him go. Hindi ganun kadaling bumitiw sa 5 years. Hindi ko kayang ipagpalit ang 5 years sa 7 inches ni Andrew.

Oo malibog ako, but loving someone is not all about sex after all. Binubuo nun ang pagkatao mo, at ang buong ikaw ay binibigay mo ng isang daang porsyento sa taong alam mong mahal ka rin. Pero sobrang malas ko, dahil kahit pagod na siyang mahalin ako ay naniniwala pa rin akong kaya pa rin naming ibalik ang lahat sa dati.

Si Rex, ordinaryong lalake lang, kahit titigan mo pa ng matagal, alam kong wala siya sa kalingkingan ni Andrew pagdating sa kaanyuan, napakatipikal. Pero kung nagmamahal ka, di naman yung mukha lang, katawan at pagkalalaki ang gusto mong makasama, kundi ‘yung taong kayang punuan ang kulang mo ng sobra sobra pa.

Comments

Popular posts from this blog

Laruin Ang Dota ni Andrew | A5LSBNN Chapter 8

Pata.Yi.N sa Kilig si Nilo | A5LSBNN Chapter 3

Ugh Bagalan Mo Lang Andrew | A5LSBNN Chapter 5