Wasakin si Nilo | A5LSBNN Chapter 9 PREVIEW

Preview only, para marinig ng buo ang narration, subscribe na sa aking youtube channel

Umaga. Ibang tao ako sa umaga. Walang ako na magpapa-alipin sa lambing ng gabi ni Andrew. Hindi ako ang gabi. Ibang tao ako. Takot sa akin ang lahat. Kailangang ganun ako. Dahil kapag makita kang mahina ng ibang tao at lalo na na isa kang bakla, hindi ka nila irerespeto.

Sa opisina. Ako ang boss ng PR and Branding department ng isang kompanyang kilala sa paggawa ng mga Household cleaning products tulad ng mga muriatic acid, toilet bowl cleaner, dishwashing liquid at iba pa. Kilala ang tatak ng aming produkto sa merkado. Kaya’t mahalagang di mabahiran ng anumang eskandalo ang reputasyon ng kompanya. Ayun ang trabaho ko, ang pagtakpan ang dumi ng kompanya at ipakita sa lahat na malinis ito sa kahit ano pang uri ng dungis. Tama ka, hanggang sa trabaho, sanay na ako sa kasinungalingan. Manhid na ako sa mga bagay na hindi totoo. Alam ko kung kelan ako niloloko, alam ko kung nagsasabi ka ng totoo.

“ Bobo! Di ba sabi ko sa’yo i-revise mo ‘to. Idiot! Gawin mo in 5 minutes or resign!”

“ Sir? Ano pong gagawin pagkatapos i-revise?”

“ Ay siguro, kainin mo yung papel.”

“ Okay po sir.”

“ You’re fired!”

Nag-iinit ang ulo ko kapag napapaligiran ako ng mga bobo sa kompanyang ito. Ayoko ng mga de-susi. Kung wala kang initiative, then leave. Kung wala kang kusa, magkulong ka na lang sa bahay at magbati.

Matagal na ako sa kompanyang ito. Bawat hikab ng mga empleyado alam ko ang ibig sabihin. Alam ko kung sino ang loyal sa akin, alam ko kung sino ang pinag-uusapan ako kapag nakatalikod ako. Kung mayroon mang pinaka-demonyo sa department ko, ako ‘yun. Wala ng iba.

Tok! Tok! Tok! Tatlong katok. Ang sekretarya ko.

“ Sir, may naghahanap po sa inyo. Gusto pong mag-apply.”

“ Kelan pa ako naging HR head gaga ka?”

“ Nagpupumilit po.”

Napahinto ako sa pag-rerevise ng mga kapalpakan ng mga empleyado ko. I got curious kung sino ang tinutukoy ng sekretarya ko. Sinurpresa ako ng presensya niya pero di ko pwedeng ipahalatang magkakilala kami. At yun na nga, si Andrew nga.

“Pwedeng mag-apply sir?”

Nakabihis ng polo shirt. Nakakatuwa yung porma niyang parang nanghiram lang ng damit sa kung sinong barkada. Masyadong gwapo si Andrew para mapansin mo pang mismatch ang suot niyang polo sa suot niyang slacks. In fairness, bumawi naman sa wet look niyang hair na mukhang ginamitan ata ng hair wax.

“ Leave.” Utos ko.

Nagkapaan ng tingin ang sekretarya ko at si Andrew. Di mawari kung sino ba sa kanilang dalawa ang pinapaalis ko sa loob ng opisina.

“ Sabi sa iyo, magagalit ang boss ko, alis ka na.” binuksan ng sekretarya ko ang pinto para paalisin si Andrew.

“ Hinde, ikaw ang umalis. Let him stay.” Utos ko pa sa sekretarya.

“ O matik na, alis na.” pang-aalaska pa ni Andrew sa sekretarya kong irap na lang ang sinagot sa kanya at lumabas na ng opisina.

Inihinto ko ang ginagawa ko sa aking office desk.

Comments

Popular posts from this blog

Laruin Ang Dota ni Andrew | A5LSBNN Chapter 8

Pata.Yi.N sa Kilig si Nilo | A5LSBNN Chapter 3

Ugh Bagalan Mo Lang Andrew | A5LSBNN Chapter 5